(via siomaaaaae)
Naranasan ko mag-pintura, mag-gupit ng napakadaming letra. Mabwisit sa sticky note na ayaw dumikit, sa kapatid kong kahit anong pilit na tulungan ako ay hindi pa rin talaga ako tinulungan. Kabahan na baka mahulog sa silya na muntik ko ng masira, mainis sa pagtantya ng sinulid. Manakit ang kamay kahit na mamaga sa kakagupit at likod na ngawit na sa kakaupo, kinabahan sa printer na baka maubusan ng ink. Mahilo sa kakahanap ng marker pen, magbuhat at magbukas ng mga box mahanap lang ang Christmas lights… at iba pa.
Lahat ng pagod na ‘yon worth it kahit rush dahil hindi naman pumalya ang munting supresa ko sakanya.
Mukhang nanonood nanaman ako ng talo.
Hindi ko alam kung paano ‘to sisimulan? Hindi ko din alam kung paano ko tatapusin dahil hindi ko pa nga nasisimulan?
Ayoko talaga magpaka-korny pero para sa’yo susubukan ko, kaya sana hindi mo ko pagtawanan.
Salamat sa lahat ng pagtyatyaga, pang-unawa at higit sa lahat sa wagas na pagmamahal na lagi mong pinaparamdam sakin at kahit kailan ay hindi ka nawala sa piling ko para suportahan ako sa lahat ng bagay.
Ang bilis nga naman ng panahon, parang kailan lang noong una kitang nakilala. Payatot kapa noon, medyo maputi, palaaway, layas, mahilig gumimik at kung ano-ano pang kalokohan.
Pero ngayon mataba kana dahil lagi kang busog sa pagmamahal ko, maitim kana dahil sa walang sawa na paghatid at pagsundo sakin, ako na ang madalas mong inaaway at pinagbubuntongan mo ng init ng ulo, tayong dalawa ang laging magkasama pag-gusto natin gumala, tayo din ang magkasama sa walang humpay na gimikan at kung ano-ano pang kalokohan.
Akalain mo ‘yun apat na taon na ang lumipas nung una kitang nakita nguni’t hindi pa lubos na kilala tapos ngayon isang taon na tayong nagsasama at nagmamahalan pa ng higit pa sa sobra.
Mahal kita, alam ko naman na alam mo ‘yan at hinding-hindi ako magsasawa na sabihin sa’yo ‘yan araw-araw kahit segu-segundo pa. Lagi ko din naman pinapaalala sa’yo na lagi kang mag-iingat, h’wag ida-daan ang ibang bagay sa init ng ulo laging habaan ang pasensya at h’wag na h’wag mong kakalimutan na mahal kita.
Mahal kita… Mahal kita.. Mahal kita…
Maligayang kaarawan sa atin Mahal ko, at walang katapusan pa na kaarawan ang dadaan sa atin.
Mahal kita pauilt-ulit. :’) :*
Interview.
- Kuya Mac: Ate, magbigay ka nga ng example sa mga Interview?
- Mama: What should I hire you?
- Kuya Mac: 'Yan ang ayaw ko na tanong eh.
- Mama: Ano isasagot mo?
- Kuya Mac: Because I need you.
- Mama and Me: HAHAHAHA.
- Mama: Bagsak sa Interview.
I’m the feeling that you, you cannot hide.
(via superbipolargirl)
When I say, ‘I love you,’ it’s not because I want you or because I can’t have you. It has nothing to do with me. I love what you are, what you do, how you try. I’ve seen your kindness and your strength. I’ve seen the best and the worst of you. And I understand with perfect clarity exactly what you are. You’re a heck of a person.
(via superbipolargirl)




